Aarangkada na ngayong araw, Marso 17, ang liquor ban at curfew sa probinsya ng Bulacan, base sa mandato ni Bulacan Governor Daniel Fernando.
Magsisimula ang curfew mula 11 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw at magtatagal hanggang Abril 17.
Ipinag-utos rin ng Gobernador ang pagbalik ng border quarantine checkpoints upang mapigilan ang pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Paglilinaw ni Fernando, hindi kabilang o exempted sa naturang curfew ang mga manggagawa at mga mamamayan na kakailanganin ng emergency services.—sa panulat ni Agustina Nolasco.
Posted by Daniel R. Fernando on Tuesday, 16 March 2021