Dead-on-arrival ang isang sanggol habang sugatan naman ang tatlong iba pa matapos sumalpok sa nakaparadang trak ang kanilang sinasakyang traysikel sa bayan ng Mondragon, Northern Samar.
Kabilang sa mga sugatan ang mga magulang ng sanggol na sina Jonel Lopez Acibar, 24-anyos at Mylene Resurecion Delga, 18-anyos, at ang traysikel drayber na kinilala namang si Joseph Galupo Abalos, 29-anyos.
Isinugod pa sa pagamutan ang mga biktima pero hindi na umabot ng buhay ang sanggol.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulis ang nangyaring aksidente.—sa panulat ni Angelica Doctolero