Magpapatupad ng isang buwang moratorium ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga bagong mining exploration.
Ayon kay DENR Secetary Regina Lopez, tatapusin muna nila ang pagrerepaso sa lahat ng tumatakbo nang minahan sa bansa bago tumanggap ng bago.
Matatandaan na bagamat itinigil ng pamahalaan ang pag-iisyu ng permit para sa minahan noong 2012, hanggang ngayon ay pinapayagan naman ang exploration.
Samantala, dalawang nickel ore mines ang unang nasampolan sa pag-upo ni Lopez bilang DENR Secretary.
Sinuspindi ang nickel mines ng Benguet Corp. Nickel Mines Inc. at Zambales Diversified Metals Corpo sa Zambales dahil sa maraming reklamo ng paglabag sa panuntunan lalo na sa pag-aalaga ng kapaligiran.
By Len Aguirre