Pansamantalang sususpendihin ng Department of Foreign Affairs – Office of Consular Affairs (DFA–OCA) ang ‘One–Working Day Processing’ sa mga dokumentong ‘for authentication’ o ‘red ribbon’.
Iiral ang nasabing suspensyon simula sa Pebrero 15 hanggang 17.
Paliwanag ng DFA, kinakailangan nilang magsagawa ng system maintenance at upgrade.
Tiniyak naman ng DFA na tuloy pa rin ang regular processing ng mga dokumento na ‘for authentication’ na tumatagal ng apat (4) na araw.
Matatandaan na dinagsa ng mga reklamo ang DFA kaugnay sa sistema ng online passport appointment.
Samantala, tiniyak naman ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano na kanilang pananagutin ang mga sindikato na nambibiktima at nananamantala sa mga nais mag-proseso ng pasaporte ngunit bigong makakuha ng appointment slot online.