Inirekomenda ng mga eksperto na isang dose lamang ang ibigay sa mga indibidwal bilang COVID-19 booster shot.
Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinag-aaralan pa kasi ang mga bakuna at mayroon pa lamang itong emergency use authorization (EUA) kung saan nakasaad dito na isang dose lamang ang pwedeng ibigay bilang booster shot.
Aniya, posible kasing makaranas ng malalang adverse effects ang isang indibidwal kung makakatanggap ito ng higit pa sa tatlong jabs.
Sinabi pa ni Vergeire na walang pananagutan ang gobyerno sakaling may hindi mangyaring maganda sa mga indibidwal na tumanggap ng higit pa sa itinakdang dose.