Isa hanggang tatlong bagyo ang posibleng pumasok sa bansa ngayong Hulyo.
Karaniwang nagmumula sa Silangan o Pacific Ocean ang mga bagyo tuwing Hulyo, base sa mga datos ng PAGASA noong mga nakaraang taon.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Ariel Rojas, maaaring mag-landfall o hindi tatama sa kalupaan ang nakikita nilang scenario para sa Hulyo at posibleng magtungo sa Taiwan o Southern China ang mga hindi mag-la-landfall na bagyo habang ang iba ay maaaring lumiko sa Japan o Korea.
Mas mataas anya ang tsansang tumama ang mga bagyo sa kalupaan ng Luzon partikular sa Hilaga tuwing Hulyo pero meron din namang pagkakataon na manalasa sa Southern Luzon at Samar Island.
Papangalanang Emong, Fabian at Gorio ang mga bagyo ngayong buwan. —sa panulat ni Drew Nacino