Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang kandidato sa pagka-alkalde sa bahagi ng Barangay Upper Glad 1 na sakop ng Maguindanao.
Kinilala ang suspek na si Tom Nandang o mas kilala bilang si Datuko na isang mayoralty candidate pero hinuli matapos maglabas ang search warrant ang anti-narcotics agent, mga pulis at mga military.
Nakuha sa suspek ang sampung sachet ng suspected shabu na nagkakahalaga ng limang milyong piso kasama ng isang kalibre .45 na baril.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ngayon ng PDEA-Region 12 ang suspek na si Nandang. —sa panulat ni Angelica Doctolero