Patay ang isang barangay captain matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Jaen, Nueva Ecija.
Kinilala ni Central Luzon police director Brig. Gen. Mathew Baccay ang biktima na si Zoilo de Belen, 56 na taong gulang, ng Barangay Lambakin.
Sa imbestigasyon, nagdidilig ng mga halaman ang biktima sa boundary ng barangay nang paulanan ng bala ng mga armadong lalaki na sakay ng isang kotse bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksiyon.
Inaalam pa ang motibo sa naturang pamamaslang.