Gumaling na ang isa sa dalawang pasyenteng tinamaan ng Delta variant ng COVID-19 sa Bulacan.
Ayon sa provincial government, ang asymptomatic na pasyente na taga-San Ildefonso ay nakarekober na sa sakit habang naka-quarantine naman ang isa pa na residente naman ng Santa Maria.
Dahil dito, mas pinaigting pa ng Provincial Task Force on COVID-19 ang contact tracing operations.