Isang babae ang isinailalim sa isolation sa isang pagamutan sa Hong Kong dahil sa hinihinalang tinamaan ito ng Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus o MERS-CoV.
Ayon sa pahayag ng Centre for Health Protection, dumaing ng runny nose ang 20 taong gulang na babae mula sa kanyang biyahe sa South Korea noong June 7 na sinundan pa ng lagnat noong June 9.
Patuloy na inoobserbahan ngayon ang babae sa Tsing Yi Clinic.
Bago ito, may 19 katao na ang naunang isinailalim sa quarantine ngunit kinalaunan ay nag negatibo naman sa MERS-CoV.
By Rianne Briones