Nakatanggap ng impormasyon ang probinsya ng Quezon kaugnay sa isang napaulat na nasawi matapos matabunan ng lupa dahil sa landslide.
Sa panayam ng DWIZ kay Infanta Vice Mayor L.A. Ruanto, kinumpirma nito na nagmula sa munisipalidad ng Burdeos, Quezon ang biktima.
Hindi naman nagbigay ng ibang impormasyon si Ruanto sa pagkakilanlan ng nasawi na bineberipika pa ngayon ng pamahalaan.
Ang umiray sa General Nakar sa Northern, Quezon ang pinaka-napinsala ng bagyong Karding.
Ito rin ang pinagtuunang pansin ng lokal na pamahalaan upang mahatiran ng tulong lalo’t maraming residente ang nananatili sa evacuation centers.