Patay ang isa katao habang sugatan ang isa matapos na sumabog ang isang rifle grenade sa Iriga City, Camarines Sur.
Ayon kay PNP o Philippine National Police Provincial Police Office Spokesperson Senior Inpector Maria Luisa Calubaquib, bigla na lamang umanong sumabog ang hawak na rifle grenade ng isang Roy Tino sa Barangay San Nicolas.
Hindi pa matukoy sa ulat kung sino ang nag ma-may – ari ng naturang baril o kung nakuha lamang ito ni Tino.
Nasawi sa naturang pagsabog ang kasambahay na si Marites Capena habang sugatan naman si Tino.
By Rianne Briones