Patay ang isa katao habang tinatayang apat ang nasugatan sa pagsabog na naganap sa Russian Military Airbase sa Ukrainian Peninsula.
Ayon kay Oleg Kruchkov, Regional adviser ng Moscow, alas-3:20 ng hapon kahapon naganap ang pagsabog sa bayan ng Novofedorivka.
Nagdulot ito ng maraming itim na usok na pumuno sa airstrip ng nasabing lugar.
Paliwanag naman ng Defense Ministry ng Russia na tinarget nila ang mga bala kaya nagkaroon ng bahagyang pagsabog.
Sa ngayon, ipinatupad na ng Moscow ang limang kilometrong restriksyon patungo sa lugar.
Ang Crimea ay itinuturing ng Russia na bahagi ng kanilang teritoryo na hindi naman kinikilala ng Ukraine at iba pang kaalyado nitong bansa.