Patay sa pagsabog ng isang improvised explosive device (IED) ang isang tricycle driver sa Midsayap, North Cotabato.
Ayon kay Midsayap Town Police Head Supt. Bernard Tayong, nag-aabang ng pasahero ang hindi pinangalanang biktima nang mangyari ang pagsabog kaninang alas-4:30 ng madaling araw sa bahagi ng Quezon Avenue.
Sinabi ni Tayong na posibleng pangingikil ang dahilan ng pagpapasabog dahil itinanim ang IED malapit sa kilalang restaurant sa nabanggit na lugar.
By Meann Tanbio