Higit isang kilometrong baybayin ng Manila Bay ang nakatakdang pansamantalang ipasara bilang bahagi ng rehabilitasyon nito.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), isasara ang bahagi mula US Embassy hanggang Manila Yacht Club para i-renovate ang tatlong labasan ng tubig na mula estero patungo sa dagat.
Sa naturang mga labasan ng tubigan natukoy ang mayroong pinakamataas na antas ng coliform bacteria.
Samantala, nag-inspeksyon naman ang Manila City Hall sa mga establisyementong binigyan ng cease and desist order na nasa paligid ng Manila Bay.
Magsisimula na rin ang Pasay City na inspeksyunin ang mga establisyementong malapit sa Manila Bay kung tumutugon ito sa environmental laws.
—-