Tinawag na praning ng isang Kongresista ang Administrasyong Duterte.
Ayon kay AKBAYAN Partylist Representative Tom Villarin, isa sa mga kongresistang bahagi ng Magnificent 7 ng Kamara, mistulang sinisira ng gobyerno ang sarili nito dahil sa mga polisiya at pronouncements na inilalabas ng Pangulong Rodrigo Duterte at hindi dahil sa external threats o bantang gaya ng destabilization plot.
Binigyang-diin ni Villarin na mas mainam kung tututok ang Duterte Administration sa problema sa kahirapan lalo’t tumaas ang bilang ng unemployment rate at patuloy din ang pagsipa ng presyo ng mga bilihin.
Ginawa ni Villarin ang naturang pahayag sa gitna ng diumano’y balak na pagpapatalsik kay Duterte bilang Pangulo, na rekomendasyon umano ni Dating US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg sa Amerika.
By: Meann Tanbio