Patay sa pananambang ang isang hindi pa tukoy na lalaki sa Malate, Maynila.
Ayon sa Malate police bumabagtas ang biktima sa kahabaan ng M.H Del Pilar Street patungo sa gawi ng Quirino Avenue nang abangan ito ng isang naka-bonnet.
Huli sa CCTV ang ginawang pagbaril ng suspek sa biktima.
Agad naman na tumakas ang suspek matapos ang isinagawang krimen.
Tinutugis na ng awtoridad ang salarin sa pananambang. —sa panulat ni Rex Espiritu