Nakasubsob sa isang sulok malapit sa creek ang isang lalaki matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis.
Patay ang 21 taong gulang na si John Philip Rodriguez matapos paputukan ng mga rumerespondeng pulis sa isang iligal na tupadahan sa lugar.
Ayon kay Police Lt. Col. Roldante Sarmiento, hindi naman talaga si Rodriguez ang kanilang target.
Matapos masita ng mga operatiba ay bigla na lamang aniya itong tumalon sa kaniyang motorsiklo atsaka bumunot ng baril.
Giit pa ni Sarmiento, dinipensahan lamang ng mga pulis ang kanilang sarili.
Aminado naman ang mga kaanak ng nasawi na may 3 kaso na ito dahil sa pagkakasangkot sa pamamaril ngunit anila, pinalabas lamang na nanlaban ang kapatid nila.
Giit naman ng mga otoridad, normal na sa kanila ang alibi mula sa mga kaanak ng mga suspek.
Narekober naman ang kalibre .38 na baril na ginamit ni Sarmiento at ang sinakyan nitong motorsiklo. - sa panunulat ni Hannah Oledan