Isang 47-anyos na lalaki ang tinamaan ng ligaw na bala sa Aritao, Nueva Vizcaya.
Nagtamo ng tama sa leeg ang biktimang si Roger Iglesia, residente ng Barangay Tucanon Aritao.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagdiriwang ng Christmas Party ang biktima kasama ang pamilya nito sa kanilang bahay.
Habang patuloy ang kanilang kasiyahan at sayawan ay bigla na lamang silang nakarinig ng putok ng baril subalit hindi mabatid kung saan direksyon nanggaling.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad kung sino ang nagpaputok ng baril na ikinasugat ng nasabing biktima.
By: Meann Tanbio