Naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Laguna at Calamba City PNP sa ikinasang buy-bust operation ang isang lalaking suspek na kabilang sa drug watch list sa Calamba City, Laguna.
Kinilala ang suspek na si Richard Mejia, residente ng Barangay Canlubang, Calamba City.
Nakumpisa mula kay Mejia ang sampung piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, na may bigat na 53 gramo at nagkakahalaga ng P360,000 .
Nakuha rin sa kanya ang 16 na pirasong tig-1K boodle money at 10 piraso ng tig-100 piso na hinihinalang drug money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico