Isa lamang sa bawat apat na mga residente ng Metro Manila ang payag na mabakunahan kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) oras na maging available na ang ligtas at epektibong bakuna sa bansa.
Batay ito sa isinagawang pag-aaral ng OCTA Research Group kung saan 25% lamang ng mga taga-Metro Manila ang nagsabing handa silang magpabakuna.
Nasa 28% naman ang nasabing hindi sila magpapabakuna, habang 47% naman ang ‘undecided’ o hindi pa makapagpasiya.
Ayon sa OCTA group, isinagawa ang survey sa may 600 respondents na may edad 18 pataas at nagmula sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila simula ika-9 hanggang ika-13 ng Disyembre, 2020