Sugatan ang isang lasing na lalaki at dalawang pang pulis matapos mabangga sa isang police checkpoint sa Manila.
Kinilala ang biktima na si Ronald Asquivel, 35 anyos, isang internet installer, nasugatan din sina Police Corporal Benjamin De Guzman at Ronel Yambao, na nakatalaga sa Manila Police District-Police Station 3.
Ayon sa mga otoridad, sinubukan umanong balewalain ni Asquivel at takasan ang mga pulis sakay ng kanyang motorsiklo.
Dinala agad sa ospital ang dalawang pulis upang malapatan ng lunas.
Nasampahan ang suspek ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Physical Injuries at paglabag sa RA 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013. —sa panulat ni Kim Gomez