Sisimulan na ng Arbitration Court sa Nobyembre 24 ang pagdinig sa reklamo ng Pilipinas laban sa China kaugnay ng sigalot sa West Philippine Sea.
Ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA, ang isang linggong oral hearing ukol sa merito ng arbitration case ay matatapos sa November 30, 2015 sa The Hague.
Itinakda ang pagdinig kasunod ng desisyon ng UN Arbitration Tribunal na saklaw nito ang reklamo ng Pilipinas hinggil sa naturang gusot.
Sinasabing 90 percent ng West Philippine Sea ay inaangkin na ng China.
By Jelbert Perdez