Isang “lumad” leader ang patay matapos pagbabarilin ng mga lalaking naka-motorsiklo, sa bayan ng Quezon, Bukidnon.
Pasado alas-11 ng umaga ng Biyernes, nang tambangan ng mga lalaking lulan ng tatlong motorsiklo ang biktimang si Renato Anglao na papauwi na sana lulan din ng motorsiklo.
Ayon sa Bukidnon Provincial Police, dalawang beses binaril sa ulo at isa sa dibdib si Anglao ng mga salarin na naka-bonnet.
Si Anglao ay kilalang leader ng Tindoga, na organisasyon ng Manobo-Pulangion, na pangunahing bumabatikos sa pagpapalawak ng mga plantasyon sa Bukidnon.
By Drew Nacino