Naging matagumpay ang 1-M bamboo planting activity na isinagawa sa Cauayan City, Isabela, kahapon.
Layunin ng aktibidad na mapigilan ang madalas na pagbaha sa lalawigan.
Dinaluhan ito ng iba’t ibang sektor at tanggapan ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela maging ng mga residente at kawani ng pamahalaan.
Itinuturing na makasaysayan ang nasabing proyekto dahil ito ang pinakamalaking aktibidad sa Isabela ngayong taon.
Ang pagtatanim ng kawayan ay isinagawa sa mga bayan ng Roxas hanggang sa Sta. Maria, San Mariano at San Pablo. —sa panulat ni Hannah Oledan