Pangulong Rodrigo Duterte, pangungunahan ang pagtanggap sa unang procured vaccines ng pamahalaan mula China.
Nakatakdang pangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtanggap sa pagdating ng isang milyong doses ng Sinovac vaccines mula China sa Lunes ng hapon, ika-29 ng Marso.
Ayon sa isang source ng DWIZ, nasa final stage na ang preparasyon sa naturang araw na pangungunahan ng Pangulo.
Kasama ng Pangulo na tatanggap ng bakuna ay mga opisyal mula sa foreign affairs department, health department, Inter-Agency Task Force maging si Chinese ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Mababatid na ang inaasahang bakunang ito ang unang nabiling bakuna ng pamahalaan.