Maglalaan ang pamahalaan ng isang milyong doses ng bakuna sa lalawigan ng Rizal sa ilalim ng “recalibrated-vaccination strategy.”
Ayon kay NTF Chief Implementer at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., sa naturang istratehiya, ang Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon ay ituturing na isang vaccination cluster.
Layunin aniya nito na maging pantay ang antas ng pagbabakuna sa mga lalawigan.
Sinabi pa ni Galvez na pinaghahanda na rin ang Rizal para sa pagbabakuna sa mga menor de edad.—sa panulat ni Hya Ludivico