Sisimulan na ng Health Department ang pamamahagi ng 1 milyong dose ng Sinovac COVID-19 vaccine sa bansa.
Ito ay ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos makapagsumite ang Chinese manufacturer ng naturang bakuna ng certificate analysis.
Magugunitang, sinabi ni Vergeire na hindi agad naipamigay ang mga bakuna dahil sa kakulangan ng dokumento.
Aniya, kinakailangan ang sertipiko upang masiguro ng pamahalaan na itong bakuna na ibinigay sa bansa ay ligtas at epektibo.
Samantala, sinabi ni Vergeire na ang syringes para sa PfizeR-BioNTech ay paparating na at handa nang maipamahagi sa mga vaccination sites sa bansa.