Nabigyan na ng clearance ng Bureau of Customs ang mahigit 1 milyong doses ng Astrazeneca na dumating sa bansa mula sa Japan.
Ito ang kinumpirma ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, pre- cleared na ang mga bakuna noong July 7 sa pamamagitan ng COVID-19 one stop shop ng BOC sa Ninoy Aquino International Airport.
Ito na ang ika-4 na batch ng Astrazeneca na dumating sa bansa.
Samantala, umabot na sa 12 milyong doses ng bakuna ang nabigyan na ng clearance ng BOC kasama rito ang SINOVAC, Pfizer, Moderna at Sputnik V.
Matatandaang dumating ang bakuna noong Huwebes bandang 11 ng gabi, lulan ng All Nippon Airlines mula sa bansang Japan.