Mahigit isang milyong doses ng Pfizer Biontech COVID-19 vaccine ang dumating sa bansa kagabi.
Lumapag ito sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City dakong alas nuebe ng gabi.
Mananatili ang 762,290 sa Metro Manila habang ang 141,570 doses ay ipapadala sa Cebu at 64,350 naman ang ide-deliver sa Davao.
Ang nasabing bakuna ay karagdagan sa 2,290,860 Pfizer Biontech vaccine na binili ng pamahalaan sa tulong ng Asian Development Bank.
Samantala, inaasahan namang darating ngayong araw ang bakunang gawa ng US manufacturer.
Matatandaan, ang bakunang Pfizer ay isa sa COVID-19 vaccine na binigyan ng FDA ng Emergency Use Authorization (EUA) para sa pagbabakuna sa mga menor de edad sa bansa.