Inaasahang darating sa bansa sa susunod na linggo ang 1-M doses ng COVID-19 vaccines mula sa Sinovac.
Ipinabatid ito ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian matapos magpasya ang Chinese Government na mag donate muli ng Sinovac vaccines sa Pilipinas.
Tiwala aniya ang Chinese Government na makakatulong ang dagdag na supply ng Sinovac vaccines para sa tuluy-tuloy na bakunahan sa bansa.