Aabot sa P24.5-B ang hinihiling na pondo ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa pagbibigay ng 5,000 peso wage subsidy sa mga minimum wage earner.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello III, na sa halip na wage adjustment, ay wage subsidy na lamang ang ipagkakaloob sa mga ito sa loob ng tatlong buwan.
Tinatayang nasa 1-M minimum wage earner ang makikinabang sa nasabing panukala ng DOLE.