Inilapit ng isang mambabatas sa Department of Budget And Management (DBM) ang posibleng total brownout sa malaking bahagi ng Mindanao at iba pang lugar sa bansa.
Ayon kay Basilan Representative Mujiv Hataman, nakatanggap ang mga lokal na pamahalaan ng sulat sa Basilan at mga karatig lugar kaugnay sa napipintong brownout matapos umabot ng 2-B ang utang ng Napocor sa Petron.
Dagdag pa ni Hataman na ang petron ang nagsusuplay ng produktong petrolyo para tumakbo ang mga planta ng Napocor sa lugar.
Samantala, bilang tugon ay sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na nakipag-uugnayan na sila sa Department of Energy (DOE) para sa pagpapalabas ng P 1.26-B na pondo sa Napocor na pambayad sa Petron.