Patuloy na pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang isang mangingisda matapos lumubog ang dalawang bangka sa karagatang sakop ng Lagonoy, Camarines Sur.
Ayon kay Nene del Castillo ng MDRRMC o Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng Lagonoy, kahapon ng umaga nang pumalaot ang dalawang mangingisda ngunit isa na lamang sa mga ito ang nakabalik.
Matatandaang dalawang bangka rin ang naiulat na lumubog sa bayan ng Sagñay sa Camarines Sur habang isang bangka naman ang muntikang tumaob dahil sa malakas na alon sa karagatang sakop ng mga naturang lugar.
Inaasahan namang lalabas na ang bagyong Salome sa bansa bukas ng umaga.