Nakabalik na sa Pilipinas ang isang mangingisdang Pinoy na halos dalawang buwang pumalaot sakay ng isang maliit na bangka patungong Papua New Guinea.
Ikinuwento ni Rolando Omongos, 21 anyos ang aniya’y naging karanasan niya nang dumating siya mula sa kaniyang kauna-unahang pagsakay sa eroplano sa NAIA, tatlong linggo matapos siyang ma-rescue ng isang barko ng Japan.
Ayon kay Omongos, nabuhay siya sa pag-inom ng tubig ulan at pagkain ng damo na tumutubo sa paligid ng kaniyang bangka at nakakapaligo sa pamamagitan ng paglangoy sa dagat.
Sinabi ni Omongos na namatay ang kaniyang tiyuhin na sakay ng isa pang maliit na bangka.
Mayroon aniyang mga barkong dumadaan sa lugar nila subalit hindi naman sila sinasagip kahit humihingi siya ng tulong.
Inamin ni Omongos na trauma siya sa nangyari kayat babalik siya sa pag aaral sa General Santos City.
By Judith Larino |With Report from Raoul Esperas