Magsasanib-pwersa ang ilang urban poor communities at leaders para sa isasagawang signature campaign sa Martes, September 8 na naglalayong mahikayat si Camarines Sur Representative Leni Robredo na tumakbong Bise-Presidente sa 2016 elections.
Target ng Leni Robredo for VP movement na makalikom ng isang milyong lagda.
Ang ‘one million signature campaign’ ay isasagawa sa kabalikat office sa Baseco, Port area sa Maynila.
Nauna nang inihayag ni Robredo na wala siyang planong tumakbo sa mas mataas na posisyon sa pamahalaan sa susunod na taon.
By: Meann Tanbio