Mahigit isang milyong manggagawa ang kinakailangan ngayon sa bansang Canada.
Ito’y para matugunan ang seryosong labor shortage sa pagbagsak ng birth rates sa paglipat ng mga kabataang Canadian sa mga trabahong mas malaki ang sweldo.
Dahil dito, pumasok ang Pilipinas sa isang bilateral labor agreement sa ilang probinsiya sa Canada tulad ng Ontario, Quebec at Alberta kung saan libo-libong OFWs ang naninirahan doon mula pa taong 2004.
Binigyan ng permiso ng Ottawa ang ilang probinsiya sa nasabing bansa na kumuha ng temporary foreign workers hanggang 2024 at malaki ang lamang ng mga Pilipino na pumasok sa mga trabahong ito.
Samantala, binigyan ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) ng akreditasyon ang ilang licensed recruitment agencies para sa libo-libong trabaho sa Canada, at sa ilalim ng recruitment ng mga ahensyang ito ay walang hihingin na placement fee.