Nangangailangan ang Saudi Arabia ng 1 milyong manggagawang Filipino.
Sinabi ni Saudi Arabia Ambassador to the Philippines Dr. Abdullah al Bussairy, kailangan ng kanyang bansa ang 1 milyong skilled at non-skilled workers.
Gusto aniya ng kanilang gobyerno ang mga Filipino dahil sa pagiging matapat, masipag at may magandang work ethic.
Tiniyak ng Saudi ambassador na agad niyang aaprubahan ang visa ng mga aplikanteng nais magtrabaho sa kanilang bansa.
Sa ngayon aniya ay nagpo-proseso sila ng mula isang libo hanggang dalawang libong visa kada araw at nilinaw na hindi itinigil ang pagtanggap ng mga manggagawa kahit pa mayroon silang umiiral na saudization policy.
By: Aileen Taliping