Umarangkada na ang pamamahagi ng experimental coronavirus vaccine na gawa ng Sinopharm sa China.
Katunayan, aabot na sa 1 milyong indibidwal sa kanilang bansa ang naturukan ng kanilang bakuna.
Pagmamalaki ni Sinopharm chairman Liu Jingzhen, kasama sa mga nabigyan ng vaccine ang mga construction workers, diplomats at ilang mag-aaral kung saan wala namang nakitang negatibong epekto sa mga sumalang sa clinical trial.