Aprubado na ng Commission on Elections (COMELEC) ang isang buwang bonus para sa kanilang mga empleyado bilang paghahanda sa papalapit na halalan.
Ayon kay COMELEC Chairperson Saidamen Pangarungan na kabilang sa mga makakatanggap ng naturang bonus ay ang lahat ng regular na empleyado ng poll body.
Nabatid na inaasahang matatanggap ngayong buwan ng abril ang naturang bonus.
Bukod pa dito, inaprubahan rin ng poll body ang augmentation para sa anim na buwang transportation at communication expenses para sa mga election officers.
Samantala, aprubado na rin ang suspensyon ng biometrics o automated attendance system upang makapagtrabaho ng maayos ang mga empleyado na nasa field nang hindi na kinakailangan pang magpunta o bumalik sa kanilang opisina para mag-punch sa kanilang in and out attendance. – sa panulat ni Angelica Doctolero