Isa na namang Pilipino ang nanganganib mahatulan ng parusang kamatayan sa ibayong dagat.
Ito’y sa sandaling igawad na ng Malaysian court ang hatol nito sa Pebrero 18 laban sa 34-anyos na si Hamid Ali.
Nakasuhan at nakulong si Ali makaraang magpasok umano ito ng mahigit 60 gramo ng ipinagbabawal na shabu sa isang hotel sa nasabing bansa.
Una nang nakulong ng 5 taon si Ali sa kasong drug trafficking kung saan, pinatawan muna ito ng 10 hagupit ng cane o tubo.
By Jaymark Dagala | Allan Francisco