Patay ang isa sa 34 na mga bagong kaso ng Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus o Mers-Cov sa Kingdom of Saudi Arabia.
Nasawi noong Lunes ang 49-anyos na babae sa Riyadh, na dati nang na-daignose na naimpeksyon ng Mers-Cov.
Sa natitirang 33 surviving new cases, 25 rito ang nasa Riyadh, dalawa sa Jeddah, at dalawa rin sa Taif at tig-isa naman sa Najran, Madinah at Alkharj.
Ayon sa Ministry of Health ng Kingdom of Saudi Arabia, karamihan sa mga bagong kaso ng Mers-Cov ay mga health care worker na nahawaan ng mga pasyenteng kanilang ginagamot sa loob ng 9 na araw na nakalipas.
By: Meann Tanbio