Posibleng may pumasok na isa o dalawang bagyo sa Philippine Area of Responsibility o PAR ngayong Disyembre.
Ayon sa PAGASA, posibleng maramdaman ito sa Visayas at Luzon.
Tinukoy ng PAGASA na ang naging average track ng mga bagyo ngayong taon ay sa Visayas o kaya naman ay patungo sa Hilagang Mindanao.
Huling bagyong naranasan sa bansa ay ang bagyong Tino noong kalagitnaan ng Nobyembre.
—-