Isang junior officer ng Philippine Army ang patay habang dalawang iba pang sugatan matapos makasagupa ang mga miyembro ng New People’s Army sa Paquibato District, Davao City, kahapon.
Naganap ang engkuwentro tatlong araw matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar ang pagpuksa sa N.P.A.
Kinilala ni Maj. Ezra Balagtey, Spokesman ng AFP-Eastern Mindanao command ang nasawing sundalo na si 1st Lt. Jarren Relota ng 16th Infantry Battalion.
Rumeresponde anya ang mga sundalo mula sa Bravo Company ng 16th I.B. sa sumbong na mayroong presensya ng N.P.A. sa Sitio Quimbao sa Barangay mapula Nang maganap ang sagupaan, dakong alas 4:00 ng hapon.