Anim na katao ang namatay matapos ang sunog na naganap sa isang residential area sa Barangay Dagat-Dagatan, Navotas City ngayong araw.
Kinilala ang isang pamilya na nasawi na sina Donsito Boiser, 41 y/o; Reynosa Muscoso, 41 y/o; arriana Boiser, 3 y/o; Reinna Boiser, 2 y/o; Nathalia Boiser, 14 y/o; at Raymond Boiser, 10 y/o.
Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagsimula ang sunog kaninang alas-5:21 ng umaga sa Block 25 Lot 88 Dalag Street Corner Tanigue sa nasabing barangay.
Umabot ang sunog sa unang alarma na agad namang naapula dakong alas-5:54.
Samantala, inaalam pa ng mga otoridad ang dahilan ng naturang sunog at ang halaga ng mga ari-ariang natupok. —sa ulat ni Beth Samson (Metro Patrol – CAMANAVA)