Naka self-isolate ngayon si PNP Deputy Chief for Administration P/LtG. Joselito Vera Cruz.
Iyan ang kinumpirma ni Vera Cruz makaraang makasalamuha ng isang pribadong indibidwal nuong biyernes na nagpositibo sa COVID-19.
Sa ngayon, nakararanas ng sipon si Vera Cruz at maliban dito’y wala na siyang nararamdamang iba pang sintomas.
Bukas, nakatakdang sumailalim sa RT-PCR test si Vera Cruz subalit bilang pag iingat ay minabuti niyang mag-self-isolate.
Una rito, naka-quarantine din si PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos matapos magpositibo sa COVID-19.