Patay ang isa (1) katao at sampu (10) ang sugatan sa pagsabog sa apat na tindahan ng mga paputok sa Bocaue, Bulacan alas -10:00 kaninang umaga.
Sinabi ni Bocaue Mayor Joni Villanueva-Tugna na hindi pa makilala ang nasawi sa insidente dahil sa sunog na ito.
Ang posible aniyang nangyari ay nabasa ang mga nasabing paputok at ibinilad kaninang umaga dahilan ng posibleng pagsabog.
Ayon sa Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ang pagsabog ay nagsimula sa tindahan ng paputok na pag-aari ng isang Dina Gonzales sa Barangay Binang First sa Mc Arthur Highway.
Ipinabatid ng PDRRMO na nadamay sa pagsabog ang apat na sasakyan.
By Judith Larino | Louie Angeles (Metro Patrol Volunteer)
Photos Here: