Isang tao ang patay habang 10 ang sugatan matapos ang nangyaring pamamaril sa Chicago.
Nangyari ang insidente bandang 11PM nang may tatlong lalaki ang nagpaputok ng baril sa harap ng maraming tao.
Ayon sa mga otoridad, isang babae ang tinamaan ng bala na agad namangnaitakbo sa ospital ngunit binawian rin ng buhay.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring insidente.
Samantala, hindi pa naaaresto at wala pa ring pagkakakilanlan ang mga suspek.
Ito na ang ikalawang insidente ng mass shooting na naganap sa linggong ito.