Nasawi ang isang bumbero habang 16 na indibidwal ang kasalukuyan paring pinaghahanap matapos masunog ang isang main oil storage facility sa Cuba.
Ayon sa mga otoridad, tinamaan ng kidlat ang isa sa mga storage tanks dahilan upang sumiklab ito at maapektuhan ang isa pang tangke na lalong agad na nagpalaki ng apoy.
Iniahayag naman ni Matanzas Communist Party Head, Susely Morfa Gonzalez na naapula na ang apoy sa main storage bagama’t mayroon pang bahagyang apoy sa ikalawang tangke.
Samantala, binigyang-diin naman ni Gonzalez na naagapan ang oil contamination sa Matanzas Bay.