Isa na ang patay habang dalawa ang nawawala matapos ang flashfloods at landslides bunsod ng walang tigil na ulan sa Davao Oriental.
Kabilang sa mga apektado ng landslides ang mga bayan ng Tarragona at Caraga habang nalubog sa baha ang bayan ng manay matapos ang pag-apaw ng mga ilog.
Ayon kay Davao Oriental Provincial Information Officer Karen Deloso, nagsasagawa na ng clearing operations ang Provincial Engineering Office sa mga naturang lugar.
Nagsimula anyang bumuhos ang malakas na ulan alas-11:00 kagabi na nag-resulta sa pagbaha na hanggang bubong.
—-